You are on page 1of 2

Shanti Dope –

Nadarang lyrics
Andiyan ka na naman
Bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
Nadarang nanaman sayong apoy
Bakit ba laging hinahayaan
Andiyan ka na naman
Ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
Nadarang nanaman sayong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

May lakad ka ba mamaya


Puwede ka ba makasama sa pag gagala
Kung sakaling di ka puwede
Sabagay, meron din akong ginagawa
Siguro nga napapaisip ka
Ba't ako nangangamusta
Ilang araw ka na naroon sa
Panaginip ko, nag-aalala lang ako baka san ka mapunta
Pero mukhang (ayos) ka naman
Kahit hindi na kita abalahin pa
Ilang ama namin pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sakin (uh)
Habang pinapantasya lamang nila
Ay maskara mo sa gabi
At Pitaka mo sa umaga
Dun ikaw sa likod ng colorete
Pag 'di na ngangangahulugan
Sa salitang paraiso para sakin
Bakit kaya kayamanan ko padin kinikilala
Ang iyong pagtawa
Kahit na sa puso mo man ay
Hinandusay na natin ang kasya
Dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran
Kaya 'di na bago sakin mawalan ng pag-asa
Ala una nanaman ng umaga
Tawagan mo na lang ulit ako
Kapag hindi na kayo magkasama

Andiyan ka na naman
Bat di ko maiwasang
tumingin sayong liwanag
Nadarang nanaman sayong apoy
Bakit ba laging hinahayaan
Andiyan ka na naman
Ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
Nadarang nanaman sayong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

May lakad ka ba mamaya


Sana madaanan mo ko pagkatapos
Sabihin mo ngayon ako'y makaka-asang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Kung ngayong gabi lang naman ay magiging dahilan
Ay handang handa parin naman ako mamaos
Nakakaluwag ka man ay sa mas Nakakalibang
na paraan kita tutulungan makaraos

Bakit ka nagparamdam
Siguro 'di na kayo nilanggam
Bakit kaya 'di niya alam
Ang iyong halaga at kung gaano ka kalinamnam
Iniwasan ko mang matakam, ng di halata
Ang hirap nang magpabaya
Kapag tawag na ng laman ay nagbadya
Makipag langit lupa ng walang taya

Pagkasama ka, bitbit sa bibig


Mga ingay na tayo lang dalawang nakadinig
Nakatawang umidlip sa kama
Pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga?

You might also like